BTS ‘devastated’ sa hate crimes sa US

IPINARATING ng K-pop group na BTS kay US President Joe Biden na ‘devastated’ sila sa nangyayaring hate crime sa Amerika matapos namang bumisita sa White House.,Humarap ang pitong miyembro ng BTS sa media kasama si White House Press Secretary Karine Jean-Pierre.,Ipinarating ni Park Ji-min sa pamamagitan ng isang translator na ‘devastated’ ang grupo sa mga pagtaas ng mga kaso ng hate crimes.,“It’s not wrong to be different. I think equality begins when we open up and embrace all of our differences,” sabi naman ng isang pang miyembro na si Suga.,Nagtungo naman sa labas ng White House ang mga tagahanga ng BTS na Army para mag-abang sa grupo.,“Biden issued the invitation to discuss the need to come together in solidarity, Asian inclusion and representation, and addressing anti-Asian hate crimes and discrimination, which have become more prominent issues in recent years,” sabi ng White House.